Mahigit 200 kg ng shabu nasabat sng mga awtoridad sa isang shipment sa Manila International Container Port

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbentaryo ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa mga nasabat na iligal na droga sa isang shipment sa Manila International Container Port o MICP sa Maynila.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, tinatayang 270 kilo ng shabu ang nakumpiska sa kargamento na galing ng Mexico.

Ito’y matapos na makatanggap n ng impormasyon ang PNP Drug Enforcement Group noong weekend hinggil sa paparating na shipment na naglalaman ng malaking bulto ng iligal na droga na papasok ng bansa.

Agad na ipinagbigay alam ng PNP sa Bureau of Customs ang impormasyon at a nagsagawa ng inspeksyon sa naturang shipment at doon nagpositibong mga iligal na droga ang laman nito

Kasunod niyan, sinabi ni Fajardo na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasamsam na shabu sa sandaling matapos na ang isinasagawang imbentaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *