DOJ, inatasan na makipagtulungan sa pulisya ang Antipolo City Prosecutor sa imbestigasyon ng pagkamatay ng grade 5 student

Inatasan na ng Department of Justice ang Office of the City Prosecutor ng Antipolo City na makipagtulungan sa pulisya sa imbestigasyon at case build-up sa pagkamatay ng estudyanteng si Francis Gumikib

Sa isang pahayag, kinondena din ng DOJ ang anumang karahasan at pang-aabuso sa mga bata.

Ipinaalala rin ng ahensiya sa mga guro na ipinagkakatiwala sa kanila ng mga magulang ang kanilang mga anak upang matuto at wala umanong puwang ang anumang klaseng pang-aabuso sa mga estudyante sa loob ng mga paaralan.

Maalalang nakumpleto na ng PNP Forensic Group ang proseso ng autopsy sa estudyante na nasawi matapos sampalin umano ng kanyang guro.

Ayon sa PNP Forensic Group , posibleng abutin ng pitong araw ang resulta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *