Police vlogger na nag-post kontra reassignment ng kaniyang asawa, pinaiimbestigahan ng PNP

Tinitingnan ngayon ng Philippine National Police kung mayroong administratively liability ang isang sikat na police vlogger na naglabas ng kanyang sama ng loob sa social media.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ang pagra-rant sa social media ni Police Staff Sgt. Joy lyn Cachin na naka assign sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ay dahil sa umano’y reasassignment ng kanyang asawang pulis din.

Napag-alaman na batay sa ulat ng force commander ng RMFB ng NCRPO, mayroong rekomendasyon ng reassignment sa mga pulis na matagal ng naka assign sa kanilang unit , ito rin aniya ay paghahanda sa nalalapit na eleksyon

Ang asawa ni Police Staff Sgt. Cachin ay mahigit pitong taon nang naka assign sa RMFB.

Nilinaw din ni Fajardo na rekomendasyon pa lamang ito at hindi pa naipatutupad.

Sabi ni Fajardo, nagpapasalamat ang PNP sa pagvo-vlog ni Cachin na nakakatulong sa pagpapaganada ng imahen ng organisasayon, pero boluntaryo niya itong ginagawa at hindi dapat isumbat sa PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *