Masayang ibinalita ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa mahigit 26,000 ang bilang ng mga drug cleared barangay sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., maganda ang naging nagresulta ng Barangay Drug Clearing Program kung saan simula noong July 1 hanggang November 1, 2022, 403 na mga barangay ang napadagdag sa listahan ng mga drug cleared.
Sinabi ni Azurin na ang naturang bilang ay 74 percent ng kabuuang 35,356 na drug-affected barangays sa bansa.
Sa mga nasabi namang drug-affected barangays, 17,079 ang itinuturing na slightly affected, 17,860 ang moderately affected at 417 ang seriously affected.
Samantala, batay sa datos ng PNP, ang Cagayan Valley ang may pinakamataas na naitalang drug-cleared barangay na mayroong 94.41 percent, kasunod ang Cordillera Administrative Region na nasa 94.36 percent, Mimaropa na may 93.95 percent, Eastern Visayas na 93.09 percent, at Soccsksargen na nasa 88.25 percent.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Azurin sa lahat ng ahensya ng gobyerno na naging katuwang nila sa naturang programa.
#
RELATED STORIES:
Higit 1.5k high value drugs suspects, naaresto sa unang 100 araw ng BBM admin – PNP
