Mahigit 20 sasakyan na- impound ng HPG sa isinagawang operasyon sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Aabot sa 26 na sasakyan ang na- impound ng PNP- Highway Patrol Group sa isinagawang One Time Big Time Oplan Lambat Bitag Sasakyan kahapon ng umaga sa Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa Provincial Highway Patrol Team ang mga na – impound ay ang mga unregistered at nagmamaneho ng walang lisensya.

Karamihan sa mga na- impound ay mga motorsiklo na mayroong dalawamput apat at dalawang 4- wheel vehicle.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nasa 93 naman ang naisyuhan ng Traffic Citations ticket (TCT) at apat ang Temporary Operators Permit (TOP).

Katuwang ng HPG sa naturang operasyon ang local police, traffic enforces at force multipliers.

Ito na ang ika 34 na Oplan Lambat Bitag sasakyan na ginawa ng HPG na nagsimulang ipatupad noong huling bahagi ng 2020.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Patuloy naman ang paalala ng “Guardians of the Highway” sa mga motorista na sumunod sa batas upang iwas huli at abala.

(Photos: PNP HPG)