Mahigit 2-milyong mag-aaral sa Central Luzon balik-eskwela na

Tinatayang mahigit 2.1 milyong mga mag-aaral ang nagbalik-eskwela sa unang araw ng pasukan sa Central Luzon.

Ito ay base sa datos ng Department of Education Region 3 sa pagsisimula ng pasok sa mga paaralan sa bansa.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Maaga pa lamang nitong Martes ay dagsa na ang mga estudyante sa bawat paaralan kung saan ang ilan ay mayroon pang maikling programa bago nagsimula ang klase.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Samantala, inaasahang posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga enrollees sa mga susunod na araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO