Kumpiskado ng mga otoridad ang mahigit 2.1 million pesos na halaga ng ipinagbabawal na droga sa Nueva Ecija.
Ito ay matapos ang isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drug operations Nueva Ecija Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan noong Biyernes, July 22.
Nakuha sa operasyon ang labinglimang pakete ng hinihinalang shabu, 2,000 pesos marked money, kotse at isang motor na walang plaka.
Samantala, arestado rin ang limang drug suspects kabilang rito ang isang high value individual na kapwa nasa kustodiya na ng pulisya.// Arjay Supe- Bnfm Olongapo
