LEGAZPI CITY – Inaasahan ng Professional Regulations Commission (PRC) Bicol na nasa mahigit 1,000 mga graduates sa nursing ang kukuha ng Nursing Licensure Examination ngayong linggo.
Ayon kay Jerome Bañez ng nasabing tanggapan, ang venues na gagamitin sa pagsusulit ay ang regional testing center sa PRC sa Brgy. Rawis, Legazpi City, Divine Word College and High School at Legazpi City National High School.
Bago pa man sila sumabak sa exam, sasailalim din muna ang mga personnel sa screening orientation para sa policies and guidelines.
Sinabi ng opisyal, tumaas ngayon ang bilang ng mga kumuha ng exam dahil lumuwag na ang health protocols at in demand na rin sa Pilipinas at sa ibang bansa ang mga nurse.