DOLE at DMW, nag bukas ng 15 thousand na trabaho sa Bulacan

Umabot sa 15,514 na mga trabaho ang magkasabay na binuksan ng Department of Migrant Workers o DMW at Department of Labor and Employment o DOLE bilang handog sa pagdiriwang ng Ika-96 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Blas Ople.

Pinangunahan ang pagbubukas ni DMW Secretary Susan Ople, na bunsong anak ni Blas.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Pinakamarami sa bilang na ito ang 11,124 na overseas jobs na iniaalok ng nasa 29 na mga overseas employers habang may 4,390 na mga lokal na trabaho ang binuksan ng 51 mga local employers.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Binilinan ni kalihim Ople ang mga aplikante na tandaan ang “First Time, Last Time” Rule sa pagharap sa job interview sa inaaplayang kumpanya.