Tukoy na ng Philippine National Police ang possible source ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi pa nagbigay ng karagdagang detalye si PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, dahil patuloy ang imbestigasyon Anti-Cybercrime Group at Department of Information and Communications Technology patungkol dito.
Nauna nang hiniling ng ACG sa Youtube ang preservation ng datos ng channel na may pangalang “Dapat Balita” na nag-upload ng video habang naka-down na rin ang facebook page nito.
Sabi ni Col. Fajardo, malaki ang reach o marami ang nakapanood ng video.
Sa ngayon pinag-aaralan na ng ACG at DICT ang location at origin ng deepfake video.
Ang mga mapapatunayang sangkot sa hindi awtorisadong pagpapakalat ng malisyoso at mapanirang video laban sa Pangulo ay mahaharap sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code in reltion to Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.