CAMARINES SUR- 136, 564 na mga bata edad 0 hanggang 59 months old ang bakunado laban sa tigdas, tigdas hangin at nabigyan ng oral polio vaccine sa Camarines Sur.
Ito ay batay sa datus ng Department of Health Bicol, isang araw bago ang pagtatapos ng malawakang Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023 ngayong Mayo.
Sa bilang na ito hindi pa kasama ang sa independent City na Naga. Pinakamarami ito sa Bicol Region kung bilang ng bakunado ang pag-uusapan pero pangalawa naman sa pinakamababa pagdating sa percentage dahil 71.61% pa lamang ito ng target.
Sa percentage rate nangunguna ang bayan ng Pamplona na may 90.13% accomplishment, nasundan ng Baao sa 84.11%.
Ngayong araw tuloy-tuloy ang pag-iikot ng mga medical personnel upang masuyod ang mga barangay, kailangan pang mabakunahan mahihgit 54,000.
Ayon kay DOH Regional Director Dr. Ernie Vera naging challenging ang bakunahan dahil sa hesitance sa pagpapabakuna, minsan din ay kulang sa bakunador sa lawak ng sakop at sa sobrang init ng panahon.
Kung hindi maabot ang target ngayong araw, magiging routine ang bakunahan upang maiwasan ang outbreak.
Una nang sinabi ng regional director na delikado ang komplikasyon ng naturang mga sakit dahil maaaring magresulta sa kamatayan.