Mahigit 11K katao natukoy na Hypertensive adult sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 11, 891 o 5. 16 % ang natukoy na hypertensive adult sa Camarines Norte ayon sa ulat ng Department of Health Bicol na inilabas nitong Miyerkules, June 12, 2023.

Ito ang lumalabas na bilang sa 230, 383 edad 20 anyos na isinailalim sa risk assessment.

Mas maraming hypertensive na mga kalalakihan na mayroong 6, 560 habang 5, 331 naman sa kalalakihan.

Pangalawa ang hypertension sa top 10 na leading cause of morbidity sa Burden Diseases sa Pilipinas ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nangunguna naman sa top 10 leading causes of morbidity sa Pilipinas ay Acute Respiratory infection at kabilang din ang animal bites, urinary tract Infection, Acute Lower respiratory tract infection, skin diseases, pneominia, sakit sa puso, tuberculosis at fever of “uknown origin.

Itinuturing na high blood ang isang tao kapag umabot sa 140/90 ang blood pressure sa dalawang pagbasa sa magkahiwalay na okasyon.

PHOTO COURTESY: https://www.news-medical.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *