Transitory provision hinggil sa mga “unused” official receipts tinanggal na ng BIR

CAMARINES NORTE – Tinanggal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang transitory provisions ng Revenue Regulations No 7- 2024 patungkol sa “unused” official receipts kung saan inaalis ang December 31, 2024, deadline.

Batay sa inilabas na kalatas ng BIR-Revenue District Office No, 64, Talisay, Camarines Norte nitong Huwebes, June 13, 2024, maaaring i-convert ng taxpayers ang natitirang official receipts bilang Invoice at i-convert ang billing statement/statement of account/statement of charges sa billing invoice hanggang ito ay  maubos o “fully consume.”

Pinalawig rin ng ahensiya ang pagsusumite ng inventory report ng mga hindi nagamit na OR’s/billing statement/ statement of account/statement of charges na kinonvert sa invoice bago o sa Hulyo 31 nitong taon.

Matatandaan na nagpaso ang ibinigay na deadline ng BIR para sa pagsusumite ng inventory report ng mga nabanggit noong May 27.

Mababatid na dahil sa Republic Act No 11976 o mas kilala bilang Ease of Paying Taxes Act na naging epektibo Enero nitong taon, ay hindi na official receipt ang kikilalaning principal na resibo kundi invoice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *