Mahigit 11, 900 households sa Libamanan, Camarines Sur identified poor; ang pamahalaan naman patuloy ang pagbibigay ng tulong lalo na sa mga social services

NAGA CITY- 11, 990 na mga households ang identified poor sa Libmanan Camarines Sur sa 100 libong populasyon nito base sa resulta ng Listahanan 3 o Ang Talaan ng Pamilyang Nangangailangan.

Matatandaan na sinabi ni Joy Belen III, Project Development Officer IV Department of Social Welfare and Development Office Listahanan Bicol na ang bayan ng Libmanan ay kinunsiderang may pinakamaraming identified poor households dahil sa ito rin ang pinamalaking bayan sa Camarines Sur.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Mayor Jess Camara ng Libmanan, sinabing isa ito sa mga tinututukan nila ngayon, katunayan nasa ₱20 milyon ang inilaan ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Gender and Development Program na nakatuon sa mga social sevices katulad ng education, mga food subsidy, health care, job training and subsidized housing at marami pang iba, sa pamamagitan ng mga tulong at programang ito kahit papaano natutulungan at nakakaraos ang bawat pamilyang nangangailangan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting