Mahigit 100M na puno, naitanim sa ilalim ng National Greening Program mula noong 2011-2013

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 112 million na puno ang naitanim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa ilalim ng Enhanced National Greening Program (NGP) simula noong 2011 hanggang 2023.

Ayon kay Atty. Ronnel C. Sopsop, OIC Assistant Regional Director for Technical Services, mula nang maipatupad ang NGP sa rehiyon, nakapagtanim na ang ahensya ng mga seedlings sa iba’t ibang lalawigan na katumbas humigit-kumulang 200,000 ektarya ng lupa sa rehiyon.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Aniya, sa mga naitanim na puno ay 85% rito ay kinakailangang manatiling buhay.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Sinabi pa ng opisyal, target ng ahensya na makapagtanim ng mahigit 3.5 million na puno ngayong taon at katumbas ito ng nasa mahigit 2,000 ektarya sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region.