Brigada at Brigada 1Tahanan – nagpa-abot ng tulong sa mga apektado ng Mt. Kanlaon

Tuwa at halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga KaBrigadang nakatanggap ng tulong mula sa Brigada News FM Bacolod at Brigadahan 1Tahanan.

Pumunta ang Brigada News team sa lungsod ng La Carlota, Canlaon at Bayan ng La Castellana at nakipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development.

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Sa pamamagitan ng ‘Brigada Bagsakan’, upang makapamahagi ng 50 packs ng bigas, noodles, delatas, facemasks at limang litrong tubig sa bawat pamilya na nasa evacuation center.

Nanatili muna ang mga residente sa mga evacuation centers dahil napapaligiran ng asupre ang mga lugar.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Masyado rin umanong malakas ang amoy nito na maaring makapahamak sa kalusugan lalo na sa mga senior citizen, buntis at mga bata. (with reports from Jeremie Ba-al | 103.1 Brigada NewsFM Bacolod)