Mahigit 100K na Sorsoganon sa lungsod rehistrado na sa Comelec

SORSOGON CITY – Itinatayang nasa 101, 707 na ang kabuuan na bilang ng mga botante mula sa lungsod ng Sorsogon ang nakapagparehistro na sa Commission on Elections o COMELEC.

Sa panayam ng Brigada News FM kay City COMELEC Officer Atty Carla Jerrera, ang nasabing bilang ay naitala nitong ika-31 ng nakatalikod na buwan.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Dahil rito, puspusan na ang panghihikayat na isinasagawa ng ahensya upang maabot ang target na populasyon bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Samantala, inaasahan naman ng opisyal ang posibleng pagsisiksikan ng mga magpaparehistro sa mga Satellite Voter’s Registration sa mga barangay maging sa kanilang opisina.  

Kaugnay nito, nagpaalala si Jerrera sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum health standards upang hindi pagmulan ng Covid-19 transmission ang kanilang pasilidad.