Mahigit 100K halaga ng hinihinalang shabu nakuha sa isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Paracale

CAMARINES NORTE- Umaabot sa mahigit isang daang libong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis pasado alas 9 ng gabi, kagabi sa Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Arestado naman ang suspek na si alyas Leo 42 anyos, may kinakasama, minero, at residente ng Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban parehong lalawigan.

Ayon sa PNP, ang naarestong personahe ay kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs.

Sa ginawang operasyon ng mga awtoridad ay nakabili umano sa suspek ang umaktong poseur buyer ng isang katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ito na ang nagsilbing hudyat upang dakpin ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) at Paracale MPS.

Nakuha sa pag- iingat nito ang limang katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust at boodle money.

Tumitimbang ng labing limang gramo ang mga nakumpispkang iligal na droga.

Inihahanda na ang mga dokumentong kinakailangan para sa pagsasampa ng mga kaukulang kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2022 laban sa suspek sa pamamagitan ng  inquest proceedings.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Muli namang nagpaalala ang hepe ng Paracale MPS na si PMaj Edwin Adora sa mga taong nagpapakalat at tumatangkilik ng iligal na droga na tigilan na ang ganitong gawain.

Sabi pa ng opisyal, nasa kamay ng bawat isa ang susi sa pagpuksa ng iligal na droga.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan ng Paracale na makialam at makipagtulungan sa mga awtoridad kung nais aniya ng mga ito na makamit ang tunay na mapayapang lugar na malinis, ligtas at malayo sa anumang banta ng iligal na droga at krimen.