Mahigit 1,000 senior citizen sa Botolan tumanggap na ng social pension

Tumanggap na ng kanilang social pension ang mahigit isanlibong mga indigent senior citizens at pension beneficiaries sa Botolan, Zambales.

Ito ay mula sa Department of Social Welfare and Development para sa kanilang unang semester pension.

Nito lamang nakalipas na araw ay isinagawa ang pay out para kanilang magamit sa mga pangangailangan at gastusin.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Office of the Senior Citizens Affairs.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LGU Botolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *