30 PDL sa Nueva Ecija lumahok sa painting workshop

Lumahok sa painting workshop ang nasa tatlumpong mga Persons Deprived of Liberty sa Nueva Ecija.

Ito ay sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry Nueva Ecija Negosyo Center Cabanatuan katuwang ang Likha Novo Ecijano at Cabanatuan City District Jail.

Ang workshop na isinagawa noong Martes na may temang colors of change ay dinaluhan ng 10 babae at 20 kalalakihan.

Layon nitong mapalawak pa ang talento ng mga benepisyaryo sa larangan ng arts at nakatakda naman ang ikalawang bahagi ng workshop sa July.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Negosyo Center Nueva Ecija

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *