Limang taong promotional ban sa mga makakasuhang pulis, kailangan munang timbangin –Pulis sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Kailangan munang pag-isipan ng mabuti at timbangin ang isinusulong ng Philippine National Police (PNP) Central Office na limang taong promotional ban sa mga makakasuhang pulis.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Bienvinido Enciso, Chief of Police ng Lupi Municipal Police Station, sinabi nitong may mga pagkakataon na hindi maiwasang makagawa ng mga paglabag sa batas ang mga personahe lalo na kung ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Gayundin kiung kasong administratibo ang kanilang kinakaharap, kailangan pa ring timbangin at pag-isipan muna bago isabatas at ipatupad ang pagpapalawig sa promotional ban sa mga pulis.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence
Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ganito rin ang naging opinyon at pahayag ni PCapt. Mark Spaña, hepe ng Presentacion Municipal Police Station. Sa dalawang nasabing police station, wala pa namang naitatalang mga pasaway at nakasuhan na mga pulis. Dagdag pa ni Spaña, ang paulit-ulit na paalala na lamang ang kanilang ibinibigay sa kanilang nasasakupan nang sa gayon, maiwasan na magkaroon sila ng kaso.