Binata, tiklo sa isinagawang gun buy-bust operation sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang binata matapos magpositibo sa gun buy-bust operation sa Brgy. Victory Village, lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jose”, 28 anyos at residente ng P-4, Brgy. San Roque ng nasabing lunsod.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon sa report, gabi nang ikasa ng kapulisan ang nasabing operasyon sa lugar laban sa suspek.

Positibo itong kumagat sa pain nang pagbentahan nito ang isang poseur buyer ng 38 revolver na baril na walang dokumento.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nang magkapalitan na ng item at pera sa halagang P4,500 ay dito na nagdeklara na otoridad ang kanyang katransaksyon na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Agad naman na dinala sa Tabaco CPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.