Mahigit 100 violation ticket inisyu sa mga pasaway na motorista sa joint operation na pinangunahan ng HPG Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Aabot sa 115 violation ticket ang inisyu sa mga pasaway na motorista sa joint operation na pinangunahan ng Philippine National Police Highway Patrol Group katuwang ang Land Transportation Office, Daet MPS at local traffic enforcers noong Huwebes ng gabi sa kahabaan ng Vinzons Avenue, Barangay Gahonon dito sa Daet.

Isa ito sa may pinakamaraming nahuling motorista sa mga ginagawang Simultaneous One Time Big Time Operation ng grupo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nasa 96 na Traffic Citations Ticket (TCT) ang inisyu habang 19 na mas mabigat na Temporary Operator’s Permit ang inisyu rin.

Sampung mga sasakyan ang na- impound sa naturang operasyon na pawang hindi naman naka- alarma.

Kumpiskado rin ang ilang mga illegal attachment sa sasakyan tulad ng LED lights at blinker.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Karamihan sa mga naisyuhan ng ticket ay dahil sa paggamit ng anuthorized helmet, paglabag sa seatbelt law, unregistered at iba pa.

Bago ang operasyon noong Huwebes ng gabi ay nagsagawa rin ang HPG ng OPlan Sita sa bayan ng Talisay sa umaga.