DOJ, nanindigang hindi ibabahagi ang datos kaugnay sa bangkay ni Kian delos Santos sa ICC

Muling binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi bahagi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), matapos matanong kung ibabahagi ng gobyerno ang datos kaugnay sa katawan ng teenage drug war victim na si Kian delos Santos.

Ayon kay Remulla, maituturn-over nila ang ilang mga dokumento sa Solicitor General, pero hindi sa ICC.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Iginiit pa ng kalihim na walng procedure kung saan makakapag-operate ang ICC sa bansa sa kabila ng kanilang claim.

Matatandaan na kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute na nagtatag sa ICC, noong March 2019 sa panahon ng Duterte administration.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dahil dito, sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na wala nang jurisdiskyon ang ICC sa Pilipinas. Mababatid na magsasagawa ng dayalogo ang pamilya ni Delos Santos sa National Bureau of Investigation (NBI), matapos kuwestiyunin ng forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang mga naunang otopsiya na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) at ng Public Attorney’s Office (PAO).