DepEd, tinatayang aabot sa P7-M ang rehabilitation cost para sa quake-hit schools

Tinataya ng Department of Education (DepEd) na papalo sa pitoong milyong piso ang halaga na aabutin para sa reconstruction at rehablitasyon sa mga paaralan na nasira dahil sa magnitude 6 na lindol na tumama sa Davao de Oro.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, na nasa 14 na mga paaralan ang nasira sa Davao Region.

Dagdag ni Poa na ang kanilang protocol ay ang pagsasagawa ng Alternative Delivery Mode (ADM) o distance learning para sa mga learners sa mga apektadong paaralan, upang hindi maalantala ang kanilang pag-aaral.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Mababatid na ang tectonic earthquake na tumama sa New Bataan, Davao de Oro ay nagresulta sa pagkakasugat sa 16 katao at ikinasugat ng 97 iba pa.