NAGA CITY – Kanselado na ang request ng Solid Waste Management Office (SWMO)- Nag ana mga heavy equipment.
Ito ay dahil sa kawalan ng sapat na pondo, matapos na bumaba ang porposed annual budget sa taong 2023 ng LGU-Naga.
P20 millionna halaga ng heavy equipment na una ng ni-request ng Solid Waste Management Office o SWMO ni Engr. Joel Martin na ayon sa kanya ay kailangan para sa kanilang day-to-day operation.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Budget Officer Frank Mendoza, sinabi nito na hindi naging madali ang naging desisyon nila lalo pa at alam niyang kailangan naman ng opisina.
Paliwanag pa ni Mendoza na hindi lang ang SWMO ang kinansela nila ang request kundi maging ang ibang opisina at departamento. Kung meron mang bibilhin ay iyong mga kailangan lamang, sabi pa nito.
Bilang bahagi ng cost-cutting sa city hall, limitado lamang ang paggamit ng kuryente, mula sa aircon, electric fan at iba pang appliances.