Mahigit 100 barangay sa Camarines Norte na-cover sa step 1 registration ng National ID

CAMARINES NORTE- Higit pa sa ibinigay na target ang naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa lalawigan ng Camarines Norte sa katatapos lang na step 1 registration para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao nasa 108  barangay ang kanilang na- cover at nakapagtala ng 150, 943 indibidwal sa kabuuang panahon ng step 1 registration kasama na ang nasa 23 araw na extension.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Ang target lamang sana para sa step 1 registration ay makapagtala ng nasa 94, 500 na katao.

Gayunman hanggang sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa para sa pagsasagawa ng step 2 o ang registration proper dahil pa rin sa COVID- 19 pandemic.

Batay sa naunang schedule magsisimula na dapat ngayong Mayo ang registration proper ng National ID sa lalawigan pero naantala ng pandemya.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Nauna nang sinabi ni Padayao na ang pagkaantala ay dahil sa ang mga gagamiting registration kit ay magmumula pa sa Camarines Sur at hihintayin pang matapos doon ang registration.

Matatandaan na pinalawig mula April 6 hanggang April 30 pre- registration na magtatapos sana noong March 30.