CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Trade and Industry – Camarines Norte Provincial Office na nasa 102 sa 282 barangays ng Camarines Norte ang covered na ng programang Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) para sa taong 2022.
Noong lang buwan ng Marso ay inilunsad ang LSP- NSB sa 14 na identified barangays sa sumunod na buwan ng Abril ang kaparehong programa ay inilunsad sa 21 identified barangays sa probinsiya.
Ang mga ito ay sa Mocong at Taisan sa bayan ng Basud, Magsaysay, Alayao, Calabaca at Del Pilar sa Capalonga, Mancruz, San Isidro, Gubat at Bagasbas sa Daet.
Habang sa Jose Panganiban naman ay inilunsad ang programa sa Sta. Rosa Norte, Sta. Rosa Sur, Osmeña at Luklukan Norte, Bulhao, Masalong, Mabilo II at Lugui sa Labo at sa Maulawin, Tabugon at Basiad sa Sta Elena.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang orientation patungkol sa mga prgrama ng DTI at Negosyo Center, pagpapalaganap ng livelihood information materials, on-site Business Name (BN) and Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) facilitation and Seminar on Starting Your Business.
Ang LSP- NSB ay isang programa ng DTI na layong mailapit sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ahensiya at LGU’s na magbibigay daan sa mas malawak na maabot ng business development assistance.
