PNP Bicol nakiisa sa ‘Duterte Legacy Caravan’ sa araw ng mangagawa sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI – Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang Police Regional Office 5 sa Bicol bilang paggunita ng Labor day kahapon na isinagawa sa Peńaranda Park, Old Albay, lungsod ng Legazpi, Albay.

Ang nasabing programa ay base sa konsepto ng ‘Tapang at Malasakit’ na upang maiwasan ang katiwalian, kriminalidad at mga problema sa lipunan upang matiyak ang tunay na pagbabago at pag-unlad ng komunidad.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang Duterte Legacy Caravan ay isang pakikipagtulungan sa mga sektor ng gobyerno gayundin sa mga boluntaryo mula sa Global Coalition of Advocacy Support Groups at Force Multipliers.

Samantala, ayon sa mensahe ni PBGEN Mario A. Reyes Regional Director ng Police Regional Office 5 na ang aktibidad ay para sa mga mamamayan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, 2022 na gawing tama ang maging proseso at nagpaalala din  na sa pamamagitan ng boto ay namumuhunan tayo sa ating kinabukasan, at sa mga susunod na taon.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan