Mahigit 10 libong litro ng langis, nakolekta na sa lumubog na MTKR Terranova sa nagpapatuloy na oil recovery operation

Nasa 10,707 liters ng langis ang nakolekta na sa MTKR Terranova sa nagpapatuloy na oil recovery operation.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, nagpapatuloy ang hot tapping operations at siphoning test ng ng kinontratang salvor na Harbour Star.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Na-install na rin ang boring machine at sinimulan ang hot tapping para sa huling cargo oil tank ng Terranova.

Samantala, nagsagawa naman ng diving operations sa MTKR Jason Bradley upang maisagawa ang patching activities sa steering ng lumubog na tanker.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sinimulan naman ng Salvor company na Morning star ang wooden plugging bago ang pag-pump out ng sea water sa hull ng sumadsad na MV Mirola 1.