Kawatan, sapol sa CCTV

Sapol sa CCTV ang ginawang pagpasok ng isang lalaki sa tindahan sa Deca Homes, Barangay Calumpang, Gensan.

Naganap ang krimen ala-1:30 nitong Agosto 20, 2024 kung saan nakuha nito ang LPG tank.

Ayon sa may-ari ng tindahan, agad siyang humingi ng tulong sa mga otoridad matapos makita ang pagpagnanakaw sa kanyang tindahan.

Read More:  ₱1.3M petroleum products seized in Negros Oriental

Matapos ang masusing operasyon ng kapulisan, nahuli ang suspek dahil sa malaking marka sa tricycle nito na naging palatandaan ng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na si Jayson Bacala Villanueva, 35-anyos na driver at residente ng Purok Intake, Barangay Mabuhay, Gensan.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Napag-alaman din na sila ang pumasok sa isang bahay sa Brgy. Calumpang kung saan natangay ang 3 smart TV, 5 washing machine, 12 gas single burner at Soundbox na nagkakahalaga ng P180,000.