Nasabat ng Bureau of Customs Port of Clark ang nasa 940 grams ng high-grade marijuana o kush.
Ito ay sa koordinasyon na rin sa Customs Anti-Illegal Drug Task Force, X-ray Inspection Project, Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service at Philippine Drug Enforcement Agency
Sa ulat ng BOC, June 10 nang dumating ang shipment na ideneklara umanong baby walker subalit isinailalim ito sa mga eksaminasyon.
Sa physical examination ay nadiskubre ang mga jog bags na naglalaman pinatuyong dahon at fruiting tops ng marijuana na kalaunay nakumpirma sa laboratory test ng PDEA.
Samantala, nag-isyu na ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa shipment.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BOC