Maharlika Investment Fund, ibinida sa Asia Summit

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa international community na ang Maharlika Investment Fund ay pinapatakbo ng mga propesyonal at hindi ng gobyerno.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Pinangunahan nito ang usaping MIF sa Asia Summit 2023 sa Singapore.

Binigyang-diin niya na ito ang palaging konsepto sa likod ng kontrobersyal na pondo na inihain sa House of Representatives noong Nobyembre, na nilagdaan bilang batas makalipas ang walong buwan.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Sinabi ng Pangulo na ang Maharlika Fund ay magbibigay-daan sa bansa na mamuhunan nang mas higit nang hindi tumataas sa mga pautang ng Pilipinas.