NSC, maglalabas ng bagong mapa ng Pilipinas alinsunod sa 2016 arbitral ruling at UNCLOS

Maglalabas ang National Security Commission (NSC) ng bagong mapa ng Pilipinas alinsunod sa 2016 arbitral ruling at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon kay NSC Spokesperson Jonathan Malaya, kasalukuyan pa nilang ginagawa ang mapa at umaasa sila na ito’y iaanunsyo sa lalong madaling panahon.

Read More:  QC court rejects Mans Carpio petition to stop VP Sara Duterte impeachment

Sumang-ayon si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa hakbang ng NSC at sinabing nararapat lamang na may maipakitang mapa na sakop ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Read More:  PGMN host CJ Hirro named person of interest in alleged ₱350M extortion case

Inihayag naman ni Senador Francis Tolentino na ang bagong mapa ng bansa ay magiging pangtapat sa 10-dash line map na inilibas ng China.

Dagdag pa ni Tolentino, babalangkasin ng Senate Special Committee on Maritime & Admiralty Zones ang bagong mapa ng Pilipinas.