Pinangangambahan na ikasira ng mga COVID-19 vaccine ang mahabang brownout sa bayan ng El Nido sa Palawan.
Ayon kay Chief of Hospital Dra. Mary Anne Navarro ng El Nido Community Hospital, ikinababahala itong mangyari dahil halos dalawang araw na walang kuryente simula nitong nakalipas na Sabado na nagtagal hanggang linggo ng hapon.
Paliwanag ni Engr. Erwin Gabutero ng El Nido NAPOCOR,matagal na itong nakaschedule ang brownout sa lugar at taunan itong nangyayari dahil sa nagpapalit ng contract ang provider.