Hinirang si Undefeated featherweight Mark Magsayo bilang Prospect of the Year ng World Boxing Council.
Ito ay matapos ang knock-out performance ni Magsayo laban kay Julio Ceja ng Mexico noong Agosto.

Nagpasalamat naman si Magsayo sa WBC pati na sa Wild Card Boxing at sa kanyang coach na si Freddie Roach.
Samantala nasungkit naman ni Filipino Champ Nonito Donaire Jr. ang Comeback of the Year sa laban nito kay Nordine Oubali na bumagsak sa 4th round sa kanilang May 2021 Fight.
Si Donaire ay galing noon sa pagkatalo sa kamay ni Japanese boxing sensation Naoya Inoue.