Nanawagan ang Amnesty International sa mga otoridad sa Guinea na imbestigahan at bigyan ng hustisya ang mga dumadaming biktima ng rape, sexual assault at murder sa kanilang bansa.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang AI at ang International Planned Parenthood Federation dahil sa kakulangan ng conviction sa mga naitatalang kaso.

Base sa tala, nasa 331 na mga rape incidents na ang naitatala simula noong Enero pero pinangangambahang mas marami pa ang hindi naire-report na mga kaso.
Nagpahayag na din ng pagkabahala ang maraming kababaihan sa Guinea para sa kanilang kaligtasan.
Lalong nabalot ng takot ang marami nang maitala noong nakaraang buwan ang pagkamatay ng isang 25 anyos na babae na sinasabing ginahasa ng mga doktor sa isang hindi lisensiyadong klinika sa magkaibang panahon.
Naaresto naman ang mga suspek sa nasabing insidente.