Arestado kagabi ng mga tauhan ng Lucban Municipal Police Station ang isang babae dalaw matapos makumpiskahan ng iligal na droga sa dala niyang espasol.
Ayon sa Lucban MPS, pinayagan nila ang pagbisita ng suspek na si Jonalyn bilang humanitarian consideration sa kanyang live-in partner na kasalukuyang nakakulong sa Custodial Facility at ililipat na sa Pagbilao District Jail ngayong araw.
Nang suriin ang mga dalang pagkain ng suspek, napansin ng duty jailer ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na nakalagay sa espasol.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng halos 5 libong piso.
Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.