Nabibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at mangingisda na makapagbenta ng kanilang produkto sa Department of Agriculture – Regional Field Office III, Diosdado Macapagal Government Center, sa Maimpis, Syudad ng San Fernando, Pampanga.
Ito ay dahil sa KADIWA Pop-up Store na ginagawa ng Kagawaran at nitong nakalipas Byernes ay nagbukas ang DA sa lugar. Tampok dito ang sariwa at de-kalidad na mga produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda.
Isinasagawa ang inisyatibong ito tuwing ikalawa at huling Biyernes ng buwan para mailapit ang kanilang mga produkto sa manggagawa sa DMGC.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DA Central Luzon