Magkapatid, nalunod sa Nacpan Beach sa El Nido- patay!

Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang pagkikita ng magkapatid sa Nacpan Beach sa El Nido Palawan.

Nalunod at namatay ang mga biktima na sina Alvin Mahilum 37 anyos na security guard ng Ayala Group of Companies at si Jonito Mahilom, 39 anyos.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer- El Nido Raymond Osorio, bandang-alas-kwatro ng hapon nitong Miyerkoles, ika- 16 ng Agosto naiulat sa kanila ang insidente.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sinaklolohan umano ni Alvin ang anak habang nalulunod sa dagat pero ito ang nalunod.

Tinangka rin itong tulungan ng nakatatandang kapatid na si Jonito ngunit hindi rin ito nakaligtas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinabi ni Osorio sa Brigada na banayad naman kahapon ang dagat kahapon subalit may pagkakataon na lumalakas ang “current” sa area at hindi rin aniya naka-inom ang mga nasawi.

Sinubukan pang isalba ng responders ang magkapatid pero hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.