Sec. Herbosa, nagpaliwanag sa panukalang pagbabago ng pangalan ng DOH

Nagpaliwanag si Health Secretary Ted Herbosa hinggil sa panukala nitong pagbabago sa pangalan ng kanilang ahensya, mula Department of Health ay nais nitong gawing Department of Health and Wellness.

Ayon kay Herbosa, nais nyang ipromote sa mga tao ang pagiging well at healthy, hindi anya sapat na walang sakit, kailangan din na malusog ang isang tao.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dapat daw kasing ma-realize ng publiko na kailangan nilang gawin ang kanilang parte para maging healthy, at hindi lang maaalala ang DOH kapag meron nang sakit .

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa kabila nito aminado ang kalihim na magastos at matagal ang prosesong pagdadaanan ng kanyang panukala, kaya patuloy pa rin nila itong pinag aaralan.

Sa ngayon uunahin daw muna ng Department of Health ang benepisyo ng mga health worker.