Magandang takbo ng ekonomiya ng bansa, ibinida ni PBBM sa ginanap na Vin D’ Honneur

Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos ang magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ginanap na Vin D’ Honneur sa Palasyo ng MalacaƱang kaugnay sa pag diriwang ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni Pangulong Marcos na sa kabila ng epekto ng global inflation, nagawa pa ring tugunan ng bansa ang epekto nito.

Binanggit din ng Pangulo na nananatiling pasok sa target band na 2-4% ang inflation ng bansa o nasa 3.5%.

Patuloy rin anyang hawak ng Pilipinas ang magandang credit rating bilang investment destination.

Kaya naman pananatilihin daw ng bansa ang naturang status lalo na’t nagsisimula pa lang na maka rekober mula sa tag tuyot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *