Grupo ng mga guro – mas pabor kung i-regulate kaysa i-ban ang cellphone and gadget use sa mga estudyante

Suportado ng Teachers’ Dignity Coalition ang mungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na ipagbawal ang paggamit ng cellphone at gadget sa oras ng klase.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, sinabi nitong totoong may distractions sa loob ng silid-aralan dahil sa cellphones.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa kabila aniya nito, mas pabor ang coalition na magkaroon lang striktong regulasyon at hindi total ban.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Mahalaga pa rin daw kasi ang cellphone sa mga kabataan, lalo na sa pag-aaral at emergency.

Nanindigan si Basas na case-to-case basis ang pagpapahintulot at pagbabawal ng cellphone sa mga mag-aaral.