NAGA CITY- 23 ang kaso ng dengue na nadagdag sa Bicol Region mula Hunyo 11 hanggang Hunyo 18, 2022 base sa tala ng Department of Health Bicol, sa pangkalahatan mayroon nang 607 dengue cases ang rehiyon mula Enero 2022. Mas mataas ng 92% sa parehong panahon 2021.
Sa mga kasong ito ang pinakamalaking probinsya o Camarines Sur ang may pinakamataas na kaso na umabot na sa 373, kabilang na rito ang kaso sa Naga.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Garry Cruz , ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Lupi , sinabing may dalawa silang kaso ng dengue, dinala na sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center o Bicol Sanitarium sa Cabusao. Pero ayon kay Cruz, inaalam pa nila ang travel history ng dalawa dahil galing umano sa ibang bayan.
Patuloy na hinihikayat ng MDRRM ang publiko na sundin ang mga hakbang kontra Dengue una nga rito ang maglinis , suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok.