Arestado ang mag-asawang supervisor ng isang investment scam matapos ang isinagawang entrapment operation ng Echague Police Station katuwang ang IPPO, CIDG-Regional Field Unit 2 Santiago City Field Unit at Securities and Exchange Commission (SEC) sa Brgy. Annafunan, Echague, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa Police Regional Office No. 2, kinilala ang mga suspek na sina Ernesto Simangan Gumarang, 72 anyos at asawa nitong si Merlita Fuentes Gumarang 60 anyos na kapwa residente sa Purok 7, Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na parehong supervisor ang mag-asa sa Interim National People’s Initiative Council kung saan nahuli sila sa aktong nagsasagawa ng investment scam at nagsosolicit ng pondo sa publiko nang walang pahintulot o company registration sa SEC.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang unit ng single motorcycle, 2 cellphone, perang nagkakahalaga ng 3,500 pesos, 2 certificate of distributor na nakapangalan kay Ernesto Gumarang at asawa nito, 102 filled up KTVM-FAL Tandem for Brand New Philippines, ten blank KTVM-FAL Tandem for Brand New Philippines, isang endorsement information letter, 11 filled up Certificates of Entitlement, 17 blank Certificates of Entitlement, 12 filled up INTERIM Appointment Orders, 12 blank INTERIM Appointment Orders, 52 blank NPIC-NPICC third edition forms for New Philippines, ; eight blank NPIC-NPICC third edition forms for New Philippines, isang bag, stamp pad, stapler at ballpen.
Modus umano ng mga suspek na ipakita ang mga nasabing unregistered entity at pinagbabayad ng membership fee na 400 pesos ang mga mabibiktima nila at ipinapangako umanong mapapalitan ito ng 30,000 hanggang 1 milyon pesos na matatanggap umano ng mga biktima sa December 2021.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng CIDG Santiago City Filed Unit ang mga suspek para sa karagdagang dokumentasyon habang inihahanda ang isasampag kasong Syndicated Estafa laban sa kanila.
Mayroon na rin umanong 8 indibidwal na nabiktima ang mag-asawang suspek na siyang naging dahilan ng isinagawang entraoment operation ng mga otoridad.