Isang babae, nagpanggap na single at nagpakasal sa apat na lalaki

Kinasuhan ang isang babae sa China dahil nagpakasal siya sa apat na lalaki, kung saan nakalikom ito ng halos PHP5,593,750.

Ang babae na nakilala lang sa pangalang Zhou ay 35 years old at may isang anak na babae nang simulan niya ang pakikipag-date sa iba’t ibang lalaki para ma-scam ang mga ito.

Hindi naman malinaw kung bakit niya ginagawa ang pagpapanggap na single dahil may negosyo naman siyang mina-manage kasama ang kanyang legal at unang asawa.

Ayon rin sa imbestigasyon, maganda ang financial standing ng kanyang pamilya.

Pero kung tatanungin kung paano niya nagagawang magpalipat-lipat sa apat na mister sa loob ng mahabang panahon, lagi raw kasing busy ang kanyang mister sa negosyo kaya hindi na ito napansin.

Naging target ni Zhou ang mga gullible na kalalakihan na hindi nagsususpetsa sa kanyang tunay na intensiyon at inaakit niya ito sa taglay nitong kagandahan.