Mabigat na daloy ng trapiko, asahan mamaya sa pagbubukas ng Kaogma  Festival 2024  sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Inasahan ang pagdagsa ng mga manonood sa pagbubukas ng Kaogma Festival 2024 mamayang gabi, kakabit na rito ang mabigat na daloy ng trapiko. Ang aktibidad ay ilang araw ding pinaghandaan ng inter-agency.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni LGU Spokesperson Russell Marpuri, may nakastand by silang ambulansya base na rin sa kahilingan ng EDMERO Camarines Sur. Nakatutok naman ang PNP sa crown control at pagmanage ng trapiko sa capital town.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Alas 8:30 ang opening night pero inaasahan na hapon pa palang ay papunta na sa Kapitolyo ang mga manonood lalo pa ang sasama sa libreng sakay, para na rin makakuha ng magandang puwesto. Nakikiusap si Marpuri sa mga daraan sa capital town na dumaan sa Milaor at Minalabac Road kung wala namang sadya sa Naga City upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko.

Read More:  Three-tier DBP loans to bankroll P2B Kabankalan flood projects

Pangungunahan ni ng aktor na si James Reid at aktess na siyang kasintahan ni Gov. Luigi Villafuerte Yassi Pressman at mga rapper-singer na sina Flow G at Skusta Clee ang opening night.