Nasagip ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group ang isang 30 taong gulang na Chinese National na dinukot ng mga kapwa nya Chinese.
Ayon kay AKG Director PBGEN COSME ABRENICA, nasagip ang biktima noong gabi ng May 19 sa Pasay City matapos dukutin nang umaga sa parehong petsa sa isang casino sa Pasay.
Naisakatuparan ang tagumpay na operasyon matapos magpasaklolo ang kaibigan ng biktima sa Southern Police District na nag-refer naman ng kaso sa AKG
Ikinulong sa isang hotel ang biktima at nanghingi ng ransom ang mga suspek.
Sa pamamagitan ng joint operation kasama ang District Special Operations Unit ng SPD at Pasay Police natunton ang hotel at napakawalan ang biktima.
Sa ngayon, nasa PNP-AKG Detention Facility na ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping for ransom.