Nababagalan si Basilan Representative Mujiv Hataman sa isinasagawang rehabilitasyon ng Marawi City mahigit anim na taon matapos ang pag-atake ng Maute terror group.
Sa pulong ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, iniulat na naantala ang ilang mga proyekto sa lungsod gaya ng patubig at pabahay sa mga biktima.
Ayon kay Hataman, posibleng magamit ng mga terorista ang mabagal na development sa Marawi laban sa gobyerno.
Hindi aniya malabong gamiting “PR” o press release ng mga terorista ang mga hakbang ng pamahalaan lalo’t may nangyaring pambobomba sa Mindanao State University ngayong buwan.
Maging si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ay hindi kuntento sa nangyayaring rehabilitasyon sa lungsod.
Dagdag naman ni PBA Party-list Representative Margarita Nograles, bukod sa rehabilitasyon at konstruksyon ay kailangan ding tutukan ang isyung panseguridad.