Lehitimong bilang ng evacuees sa evacuation centers sa Albay, binigyang-diin ng APSEMO

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang lehitimong bilang ng mga residenteng kasalukuyang nasa evacuation centers sa lalawigan.

Ito’y kasunod ng naitalang paglobo ng bilang ng mga bakwit ng Bulkang Mayon na nadiskubreng mula sa 7km-8km extended danger zone.

Sa isinagawang pagkukwenta ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nadiskubreng tinatayang nasa 44% ng mga evacuees mula sa mga apektadong bayan ang hindi mula sa 6 kilometer PDZ.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kabilang sa bilang na ito ay ang mga bayan ng Sto. Domingo at Guinobatan na nauna nang binigyang-diin ni Albay Gov. Edcel “Grex” Lagman na dapat ay wala sa mga evacuation centers ang kanilang mga residente.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa lumalabas na ulat, ang ilang mga residente mula 7-8km EDZ ay nasa mga evacuation centers na, kung saan sila inabisuhan na nasa ‘preparedness status’ pa lamang at palilikasin lamang kung sakali mang lumala pa ang sitwasyon ng bulkan.

Nakatakdang magsagawa ng balidasyon ang PGA sa pamamagitan ng mga concerned LGUs sa mga residente na una nang inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkan.